Hindi ko mapigilang maiyak sa eksena kanina sa A 100-Year Legacy. Naalala kita, Lolo.
Gusto ko rin sanang marinig mula sa'yo yung mga sinabi ng lolo ni Monique: "Sa wakas, may magmamahal na rin sa Monique namin." Gusto ko rin sanang ipagkatiwala mo ako sa taong karapat-dapat. Gusto ko rin sanang marinig pa ang mga payo mo tungkol sa buhay at pag-ibig.
Lolo, sobrang miss na talaga kita. Abril na naman. Parang kailan lang. Ang hirap pa ring tanggaping wala ka na. Pero sabi nga ni Father Rupert kanina, to accept is to understand. Kailangan ko munang tanggapin na makakasama na lang kita sa alaala bago ko maunawaan ang lahat ng iniwan mong aral sa buhay ko. Tanggap ko naman na e. Pero nasasaktan pa rin ako. Mahal talaga kasi kita, Lolo. Alam ko namang alam mo rin yun.
Lolo, maraming maraming salamat. Dahil sa'yo, buo pa rin ang pamilya namin. Dahil sa'yo, hindi pa rin ako sumusuko. Dahil sa'yo, hindi ako nawawalan ng pag-asa at nananatili akong inspirado.
Salamat sa pagmamahal at suporta, Lolo. Alam kong masaya ka na sa piling ng Ama. Pakibulong na lang din sa Kanya ang mga kahilingan ko ha? :)
I love you, Lolo! I always thank God for the gift of you! ♥
Lord, as I sleep tonight, I remember the grandfathers you have blessed me with - Lolo Amen, Lolo Banoy, and Lolo Claudio. Thank you for giving me the opportunity to be inspired by them, to be loved by them, and to learn from them. Their journeys here on earth may already be over but their legacies remain. As I sleep tonight, I say a little prayer for them, that they may have eternal peace and joy in Your Kingdom, and I pray for all of us whom they have left behind, that we may be able to live our lives following their great examples. In the sweetest name of Jesus, Amen. ♥
Comments
Post a Comment