Buti na lang Sabado bukas.
Buti na lang nakauwi pa ako kagabi at nakapaglaba bago bumuhos uli ang ulan.
Buti na lang idineklara na walang pasok ngayon (dahil hindi talaga ako makakapasok gawa ng pinagsamang baha at dysmenorrhea).
Buti na lang hindi nawalan ng kuryente.
Buti na lang may load pa ang broadband stick ko.
Buti na lang may signal kahit paano.
Buti na lang hindi pa ubos ang gasul at nakapagluto pa ako.
Buti na lang may iluluto pa akong ulam at isasaing na bigas.
Buti na lang may tubig pa akong iinumin.
Buti na lang hindi nawalan ng tubig at nakaligo pa ako.
Buti na lang mabait ang kapitbahay namin at ibinili ako ng Milo at itlog.
Buti na lang kahit nasa trabaho ang kapatid ko at nasa Iloilo ang mga magulang ko, hindi kami nawawalan ng balita sa isa't isa dahil sa teknolohiya.
Buti na lang nag-desisyon na ang organizers ng Blogapalooza na i-reschedule ito sa ibang araw.
Buti na lang mas kaunti na ang mga gamit namin ngayon kaya hindi ako nahirapan mag-akyat.
Buti na lang may loft ang apartment unit namin,
Buti na lang may 3rd floor ang apartment building namin.
Buti na lang dito rin nakatira sa apartment ang magulang ng may-ari kaya binabantayan din nila ang sitwasyon namin.
Buti na lang medyo humina na ang ulan.
Buti na lang steady lang ang baha sa huling baitang bago tuluyang pumasok sa mga unit namin (at alam kong hindi na siya tataas pa dahil pinagbantaan ko na siya).
Buti na lang malamig ang simoy ng hangin at masarap matulog.
Buti na lang makakatulog ako ng maaga ngayon.
Buti na lang mabuti ang Panginoon!
Marami pong salamat, Diyos Ama sa Iyong kabutihan at walang sawang pagmamahal. Salamat po sa pagpapadala sa Iyong Anak upang iligtas kami. Salamat po sa Espiritu Santo na aming gabay. Salamat po sa mahal naming Inang si Maria na aming takbuhan sa tuwina.
Salamat po. Tunay Kang mabuti at dakila! Salamat, Panginoon! Salamat! ♥

All the time! ♥ |
Comments
Post a Comment