*This post is not a Filipino version of my previous post. It's simply an open thank you letter to God for His faithfulness, generosity, and overwhelming love. :)
Dearest Lord,
You know very well how much I long for a good and restful sleep. Ang aking mga mata'y pikit na ngunit ang puso at diwa ay gising na gising pa. Bakit nga kaya? :)
Hindi ko na itatanggi dahil alam kong alam Mo na rin naman. Lately, ang dami ko lang iniisip at opo, marami akong pinagdaraanan. But You are just so amazing Lord, You know me so well that You know when I'm at my weakest. Alam na alam Mo talaga ang kahulugan ng bawat ngiti at bawat patak ng aking luha. Alam Mo kung kailan ko higit na kailangan ang presensya Mo. And You were never late, God. You are always on time. Parang ngayon. Ramdam Mo ang pagnanais ko ng kapayapaan, katahimikan, at kasiguruhan na ang lahat ay lilipas din. Kaya naman kahit wala sa plano ko, dinala Mo ako sa isang pagtitipon kung saan bawat kuwento ay hawig sa kuwento ng buhay ko. Sinadya Mo iyon, alam ko, upang ipaalala sa akin na hindi lang ako ang nakararamdam ng panghihina, hindi lang ako ang nagtatanong, hindi lang ako ang nahihirapan, hindi lang ako ang umiiyak. Lord, sobrang salamat. I couldn't thank You enough for reminding me how blessed I am and how great You are. Thank You for never failing to uplift my spirit and to cheer me up when times get tough. Thank You for giving me breaks - precious pauses - from the worries and hurries of life. Thank You for embracing me and whispering to my ear, "I love you, Aiza. I always will."
At dahil alam Mo ring mahilig ako sa musika, patuloy Kang nangungusap sa pamamagitan nito. :)
Sa bawat pagkanta ko ng "I don't want to walk this earth if I got to do it solo...", sinasagot Mo agad ng "You are not alone. I am here with you." sabay yakap nang mahigpit.
Sa mga gabi at madaling araw na umuuwi akong mag-isa (gaya ngayon), alam Mong takot na takot ako kaya naman hinahawakan Mo ang aking kamay, sinasabayan ako ng lakad, at inaawitan Mo ako ng "Wag kang matakot. 'Di mo ba alam nandito lang Ako sa iyong tabi. 'Di kita pababayaan kailanman..."
Panginoon, salamat sa pagpunas sa bawat luha, pagpawi sa lahat ng takot at pangamba, pag-iingat at pag-iiwas mula sa lahat ng panganib, pagpapatawad, pag-unawa, pagpapala, at sa walang sawa Mong pagmamahal at walang maliw na pagtawag sa akin bilang Iyong anak at prinsesa. Salamat sa lahat ng pagkakataong ipinagkakaloob Mo upang matuklasan ko ang Iyong kapangyarihan at maging instrumento rin ako upang masilayan ng aking kapwa ang Iyong kadakilaan. :)
This is my prayer and response to Your great love, mercy, and overflowing blessings:
Good night and good morning, Lord! Matutulog akong may kapayapaan sa puso at ngiti sa labi sapagkat batid kong ang lahat ng ito ay Iyong pinahintulutan. :)
I can't wait to spend the weekend in paradise, with You, Lord. You never fail to show (not just say) how much You love me. Allow me to say, I love You too, Lord... so very much! ♥
I can't wait to spend the weekend in paradise, with You, Lord. You never fail to show (not just say) how much You love me. Allow me to say, I love You too, Lord... so very much! ♥
Big Hug for you Ate! Salamat sa Panginoon na nakasama kita kagabi. I'm excited to know more about you and to open myself din. Last night was a great start and I can't thank the Lord enough coz I know He has a purpose why you are my co-discerner..Ang galing NIYA sobra.
ReplyDelete