Ika-19 ng Nobyembre, 2013
Kaninang umaga, may nakita akong matandang lalaking nagbibisekleta angkas ang dalawang bata, isang babae, isang lalaki. Hinala ko apo niya ang mga batang iyon. Nung napadaan sila sa tabi ko, narinig kong umaawit ang matanda at masayang nagpe-pedal.

Naalala kita, Lolo. Lalo na ngayong nagdiriwang si Papa ng kanyang ika-limampu't pitong kaarawan. Kung hindi mo siguro isinakripisyo ang buhay mo para sa kanya, marahil hindi na namin siya kasamang nagdiriwang ngayon.
Salamat, Lolo. Kailanman, hindi kita makakalimutan. Kung paanong inalagaan mo kami, lalo na ako, nung tumira kami sa inyo; kung paanong pinagluluto mo ako ng pagkain at pinagtitimpla ng Milo tuwing umuuwi ako galing eskwela; kung paanong inaalala mo ang kalagayan namin lalo na nung bumalik kami ng Manila; at kung paanong ipinaramdam mo sa amin ang iyong pagmamahal.
Maraming maraming salamat, Lolo. Mahal na mahal kita. Hanggang ngayon, masakit pa rin sa akin na sa patio na lang kita nakikita at pangalan mo na lang ang nakukunan ko ng larawan. Ngunit nagpapasalamat ako dahil ikaw ang inspirasyon ko. At patuloy akong mabubuhay sa halimbawang pinakita mo. Para sa akin, ikaw pa rin ang pinakamagiting na bayani.

I love you, Lolo! Thank you for the inspiration. |
I still miss you. I still wish you are here. |
Comments
Post a Comment