Nang ginising mo ako kaninang alas-3 ng madaling araw, akala ko nagpapapansin ka lang. Hindi kita masyadong inintindi at pinilit kong bumalik sa pagtulog. Ngunit hindi mo ako tinigilan. Siniguro mong mararamdaman ko ang iyong presensya hanggang sa wala na akong nagawa kundi bumangon at pakinggan ang mensaheng nais mong iparating. Naiintindihan kita. At humihingi ako ng tawad. Alam kong marami akong naging pagkukulang sa 'yo. Hindi ko natumbasan ang pagmamahal at pag-aalagang ibinigay sa 'yo ng iyong mga magulang noong ikaw ay bata pa. Maraming pagkakataon na hindi ka nakakapagpahinga o nakakatulog nang husto. Minsan sa sobrang pagiging abala ko sa mga gawain sa paaralan o sa trabaho o maging sa bahay, nakakaligtaan na kitang pakainin. Maaalala ko na lang kapag dumaing ka na. Ilang ulit ka na rin bang napagod sa pakikipagsiksikan sa bus o sa jeep o sa FX, nangalay dahil sa pagbubuhat ng mabigat, pumila nang pagkahaba-haba, o maglakad nang pagkalayo-layo dahil walang...
Because in life, it's the little things that matter. ♥